Powered By Blogger

Miyerkules, Hulyo 13, 2011

Babang Luksa ni Diosdado Macapagal salin ni Olivia P. Dantes

ⓐⓑ

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika’y lumisan
Subalit sa akin ang tanging naiwan
Mga alaalang di – malilimutan

Kung ako’y nasa pook na limit dalawin
Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan
Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw

Sa matandang bahay napuno ng saya
Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta
Ang biyayang saglit , kung nababalik pa
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga

Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan
At iniwan akong sawing – kapalaran
Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?

Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda ;
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata.

Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buok ko’y di mo makikita
At ang larawan kong tandang tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina

At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Ay hanggang matapos ang kabataan
Itong alaala ay lalaging buhay
Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan

Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanaw
Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan

Ang kaugalian ng ninuno natin
Isang taon akong nagluluksa mandin
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim
Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling

★ オ ブ ー * .  . : 。

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento